----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Happy anniversary" mahinang bati ni Simon sa sarili habang dahan dahang bumabangon sa higaan para hindi magising ang lalaking katabi nya. Alas tres na ng umaga, Disyembre 22, 2014, isa sa espesyal na araw para kay Simon. Dali daling pumunta si Simon sa palengke para bumili ng kanilang umagahan. May kalayuan mula sa inuupahan nilang bahay ngunit wala naman syang choice dahil nga wala namang sari-sari store na malapit dahil nga nandyan naman ang palengke. "Pandesal, itlog, hotdog at bigas sa umagahan. Porkchop mamayang tanghali?" pagche-check ni Simon sa mga binili. "May nalimutan pa ba ako?"
Patakbong bumalik si Simon sa kanilang bahay dahil inabot na pala sya ng trenta minutos sa pag iisip ng kung anung ihahanda ngayong umaga. Pumunta kaagad siya sa kusina para magsaing ng biglang may nagsalita.
"Morning. Anong ulam natin?" Si Roy, nakatayo sa pintuan ng kwarto. Maliit lamang ang inuupahang bahay nila Simon at Roy. May isang kwarto at maliit na banyo.
"Gising ka na pala Bhi?" Halatang halatang nabigla si Simon "Sorry napatagal ako sa pagbili ng umagahan natin. Ngayon pa lang ako nakapagsaing e" BHI, yan ang naging tawagan nila.
"Sabi ko anong ulam? Kung anu-ano sinasabi mo dyan" ngingiti ngiting sabi ni Roy
"Ahhhh.. Oo nga. Nagulat kasi ako sa'yo. Itlog, hotdog, pandesal" saad ni Simon. Habang nagkikiskis ng posporo para mabuhay ang kalan "Upo ka na" habang inaalalayan si Roy sa pag upo.
"Kaya ko namang maupo mag-isa" may pagkainis na banggit ni Roy kay Simon. "Nakapag-init ka na ba ng tubig?"
Hindi makasagot si Simon dahil nalimutan nya ngang mag-nit ng tubig.
"Hindi ka pa nakakapag-init no?" walang ganang saad ni Roy
"Sorry. Hayaan mo mabilis lang naman to Bhi." Habang dali daling naglagay ng tatlong tasang tubig sa kaldero
Ilang minuto pa at naluto na ang hotdog at itlog. Kumulo na rin ang tubig.
Magtitimpla na sana si Simon ng chocolate drink ng mapansin nyang wala na pala silang stock nito. "Ahm Bhi, naubusan na pala tayo ng chocolate drink. Bibili na lang ako sa Mercury"
"Wag na" sagot ni Roy, sabay buntong hininga at iling.
"Mabilis lang to. Sakto pagbalik ko luto na rin ang sinaing" Mabilis na tinungo ni Simon ang palengke kung saan naroon ang Mercury. Wala pang limang minuto ay nakabalik na ito sa bahay nila at naghain na ng kakainin nila ni Roy. Nag-init uli ng tubig pampaligo nila.
Pasado alas kwatro na ng umaga ng matapos silang kumain. "Bhi iprito ko na rin tong porkchop para tanghalian natin mamaya. Balak ko sang maghalf day na lang kung matatapos ko agad yung gagawin ko, tutal last day na naman ng pasok kasi bukas Christmas party na naman namin." wika ni Simon habang nagpiprito ng porkchop. "Tawagan na lang kita kung halfday ako."
"Liligo na ako Bhi" si Roy habang naghuhubad ng kanyang damit at isinampay ito sa kanyang inuupuan kanina.
"Sige tamang tama kumukulo na rin tong tubig" bago pa man nya patayin ang kalan ay nakita nya ng wala na itong apoy. "Naku, buti kumulo na yung tubig bago tayo mawalan ng gasul. Maya na lang ako bibili pag-uwi ko ha" sambit niya habang isinasalin ang tubig sa malaking timba
"Bhi ano pa lang gusto mong kainin mamayang gabi?" tanong ni Simon kay Roy na naliligo na sa banyo.
"Ikaw na ang bahala" mahinang sagot nito ngunit sapat na upang marinig ni Simon dahil maliit lang naman ang inuupahang bahay nila.
Nangiti na lamang si Simon dahil hindi pa rin ata naaalala ni Roy kung anung okasyon mayron ngayon. Narinig ni Simon ang pagbukas ng pinto na nangangahulugang tapos ng maligo si Roy. Kasabay nuon at tinatakpan na nya ang piniritong porkchop na niloto nya.
"Bhi, tuwalya. Sorry nalimutan ko." pagpapacute ni Roy kay Simon. Habang kitang kita ang buong katawan nitong basang basa pa ng tubig. Wala na ito sa kanilang dalawa. Kung titignan nga sila ay parang ilang taon na silang magkasama.
"Bhi oh" habang iniaabot ang tuwalyang kinuha ni Simon mula sa kwarto. "Yung damit mo pala nasa sala, sa may upuan. Ligo na rin ako Bhi, alas singko na pala" Tumango naman si Roy bilang sagot dito at tinuloy ang pagdadamit.
5:30 na ng matapos maligo si Simon at dali daling nagbihis ng unipormeng pamasaok. "Bhi alis na ako" wika nya habang hawak ang isang notebook na puno ng listahan. Listahan ng mga kung anu anong bagay. Isa kasi sa katangian nito ay ang pagiging sobrang malilimutin.
"Ingat Bhi" wika ni Roy habang naghahanap ng istasyon ng balita sa Radyo. Hindi nya na namalayan ang paglapit ni Simon sa kanya upang gawaran sya ng isang masuyo at mabilis na halik. Napangiti na lamang ito at nagwikang "Sige na baka malate ka pa" Aabutin ng kinse minutos ang byahe ni Simon mula sa bahay papuntang opisinang pinagtatrabahuhan nito.
"Sige Bhi, tawag na lang ako mamayang breeak time. Alis na po ako." na sinagot naman uli ni Roy ng tango habang nakikinig ng balita.
"Time check. 5:43. Maaga pa pala" sabi nito sa sarili. 5:50 kasi kadalasan dumadaan ang shuttle bus sa intayan nila, tatlong minutong lakarin mula sa kanilang bahay.
Siya si Lou Simon Capulong. 23 years old. Isang Industrial Engineering graduate. Nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya ng sasakyan bilang isang Methods and Standard Engineer. Isang buwan pa lamang sya dito, bilang pangalawang trabaho niya. Hindi inaasahan ang paglipat nya dito dahil mataas na ang posisyon nya sa unang kumpanya niyang pinagtatrabahuhan bilang Process Engineer/Probationary Supervisor ng isang section na hinahawakan nya. Ngunit, dahil nga mas malaki ng konti ang offer dito sa bagong kumpanya nya at maraming benispisyo ay di na sya nagdalawang isip na tanggapin ang trabaho. Simpleng tao lang si Simon. Simpleng manamit. Simpleng mamuhay. Lahat simple lang. Walang arte. Matangkad si Simon, 5'11. Moreno. Hindi payat ngunit hindi rin naman mataba. May mapuputi at pantay na ngipin. Sa ugali, organisadong tao siya, dahil na rin sa pagiging malilimutin ay lahat gusto nyang planado.
Lahat nakasulat, lahat dapat walang masira, walang malimutan. Sinubukan nyang maging spontaneous sa buhay, walang kahit anong plano, ngunit pagsisisi lamang ang natamo nya dahil sa sbrong daming pagkakataon ang nasasayang. Kaya mas pinili nyang iplano na lamang lahat. Isulat lahat. Pag-ispan lahat.
Sa katunayan hindi naman talaga sya ganito noong nag-aaral pa sya. Happy go lucky ngunit di naman pinababayaan ang pag-aaral. Gala dito-gala duon, iba't ibang experience ang gusto nyang maransan. Napaka-adventurous kumbaga, pero lahat ay nagbabago. Nagbago ang pananaw nya noong magkatrabaho na siya. Kahit naman siguro lahat ng tanungin mo, mahirap gastusin ang perang pinaghirapan mo. Pero ayun nga, patuloy pa rin ang pagbabago hanggang makilala nya si Roy. Totoo naging kuripot na nga sya pero hindi pagdating sa minamahal niyang tao. Sa taong handa nyang ibigay ang lahat kahit ano pa ang dapat nyang harapin.
Nagmumuni-muni, nag-iisip si Simon ng kung anung maaring maging sorpresa nya kay Roy mamaya ng magising sya sa isang napakalas na busina. Kitang kita ang gulat sa kanya at bumalik sa reyalidad. Nasa tapat na pala nya ang shuttle bus na kanyang hinihintay. Agad siyang umakyat sa bus at narinig ang biro ng driver "Lalim ng iniisip natin ah" wika nito, na sinagot na lamang niya ng ngiti. Kinse minutos na byahe, maikli lamang pero sapat na ito kay Simon para gumawa ng power nap. Isa pa ito sa katangian ni Simon, ang mabilis makagawa ng tulog. Makakuha lamang ito ng magandang posisyon, at ayun tulog na siya. Bago pa man makarating sa kumpanya ay nagising na rin si Simon.
Naging sobrang busy si Simon ng umagang iyon. Meeting dito. Meeting doon. Hindi nga alam kung bakit ganito. 'Kung kailan naman last na oh' sabi nya sa sarili. Hindi na rin nya nagawang tawagan si Roy sa sobrang di na nya ito masingit sa schedule nya ngayon araw.
9:20 na, nasa last meeting na sya para sa araw na iyon. Isang napakaimportanteng meeting na ginagawa nila linggo-linggo tuwing Biyernes. Ngunit dahil nga last day na ay kahit hindi Biyernes ay nagkaroon pa rin sila ng meeting. Ang meeting ay tungkol sa improvement ng isang linya. Top grosser kasi ang linyang ito kaya tinututukan ng mabuti. May tatlong regualar na nagrereport sa meeting na ito. Si Gio Quintos, unang reporter, mula sa production engineering department na assign sa mga technical aspect ng linya Pagkatapos ay si Simon, mula sa Industrial Eng'g Section. At ang huli ay ang Supervisor ng linya na si Mr. Danny. Maliban sa kanilang tatlo ay minsan may mga iba pang reporter na mula sa Maintenance, QC at Planning department. Pasado alas diyes na ay nasa unang reporter pa lamang sila. Hindi na mapakali si Simon sa upuan nya dahil malapit na ang tanghalian at kailangan nyang makauwi sa bahay. Hindi na sigurado si Simon kung makakauwi pa sya kaya pasimple syang lumabas ng meeting room para tawagan ang isang kaibigan.
"Hello Steph" bati nya sa kaibigang nasa kabilang linya. "Favor naman, nawalan kasi kami ng gasul kanina, pasuyo naman kung pwede ibili mo ko sa may palengke. Ahhh ganun ba?" halata ang lungkot at dismaya kay Simon dahil hindi ito mapaunlakan ng kaibigan. "Sige salamat. Ayyy oo nga pala, punta ka sa bahay mamaya. Anniversary namin ni Roy ngayon. Di ko pa nga pala alam kung anong gagawin kong surpresa. Tulungan mo naman ako." pagmamakaawa nito sa kausap. "Yes, asahan kita ha, hindi na pwedeng umuroong hindi mo na nga ako pinagbigyan sa pagbili ng gasul e. 4 pm ha! Sharp! Thanks. Ok salamat!" at pinindot na nya ang end call at nagbuntong hininga at nagdial muli sa kanyang telepono.
"Hi Myra" walang ganang bati nya sa kabilang telepono. Si Myra ay pamangkin ni Roy. Kapitbahay lamag nila ito ngunit hindi nya ganoon kagusto ang ugali dahil sa isang pangyayari mula sa nakaraan. "Makikisuyo sana ako sayo, makikiinit naman ng ulam at kanin na naiwan ko sa bahay. Nawalan kasi kami ng gasul at may emergency lang kaya hindi ako makakauwi. Sige. Salamat!" pagtatapos nya sa tawag. Napaunlakan sya nito ngunit hindi mabakas sa mukha nya na masaya sya. Hangga't maaari kasi ayaw na nyang humingi ng tulong sa pamilya ni Roy.
Nagdial muli si Simon. "Bhi sagutin mo bilis. Bhi bilis" mahinang wika ni Simon sa sarili ng makita nyang palapit sa kanya ang isa sa mga kasama sa meeting "Ayun" nawika ni Simon ng marinig ang nasa kabilang linya. "Bhi mukhang di ako makakauwi ngayong tangahali. Hindi pa kasi tapos ang meeting namin e. May pinagbilinan na naman ako. Sorry Bhi. Sige sige . Need to go. I love you." Sabay tapos ng usapan nila.
"Simon malapit na matapos si Sir Gio." wika ng lalaking mula sa loob ng meeting room.
Dumating ang alas onse, lunch break at hindi pa rin tapos magreport si Gio. 11:15 na nakapagreport si Simon na mag-aalauna na sya na tapos. Alas dos natapos ang meeting nila. Sampung minuto bago mag-coffee break. May pakain naman kaninang tinapay sa meeting ngunit ramdam na talaga ni Simon ang gutom. Wala naman syang magawa dahil mahigpit sa kumpanya nila. Nakasarado ang canteen kung hindi break time.
Nag ayos nalang nga gamit si Simon dahil sa gulo ng tambak ng mga papel sa lamesa nya sa pagmamadali kanina sa mga meeting, ng biglang may magsalita sa likuran nya. "Eto pala yung minutes of meeting natin kanina." Si Gio habang iniaabot ang mga papel kay Simon na busy pa rin sa pag aayos ng gamit. Hindi man lang tinitignan ang lalaking nakatayo sa likuran nya. "Tapos eto hinilight ko na rin yung REPORT mo NEXT YEAR" tatawa-wang dagdag pa nito, halatang binigyan nito ng diin ang salitang 'REPORT' at 'NEXT YEAR'
Mabilis na lumingon at matalim na tinignan ni Simon Gio na nakatayo pa rin sa likuran nya.
"OK ka lang? Anong problema mo? Kakatapos lang ng meeting, report na naman binibigay mo sakin? Mabilis na sabi ni Simon "Patapos na ang taon, next year na yan." At bumalik sya sa pag aayos ng gamit
"Hindi ka naman galit?" pang aasar nito.
"Hindi" simpleng sagot ni SimonHalatang ayaw kausapin ni Simon si Gio.
"Hay. Kanina tinatanong kita kung anong idadahilan para hindi matuloy ang meeting, wala ka namang maisagot." wika ni Gio. Siya kasi ang nagfa-facilitate ng meeting na iyon, kaya sya rin ang maaaring magcancel nito. Lumapit kasi dito si Simon umaga pa lamang at hinihiling nsa sana ay sa hapon na gawin ang meeting.
"Anung sinasabi mo? Problema mo?"
"Yan. Ayaw mo kasi akong kasapin?"
"Ha? Kinakausap naman kita ah"
"O.. Oo nga a… ayaw mo naman tumingin" utal na sabi nito Nauutal si Gio dahil napahiya sya sa mga sinabi nya. Matagal na syang may nararamdaman na kakaiba kay Simon na hindi nya malaman kung ano o mas magandang sabihing alam na nya ngunit ikinakaila nya sa sarili.
Nagising na lamang si Gio sa pagring ng bell na hudyat ng cofee break nila. At dali daling sinundan si Simon na ngayo'y palabas na ng pinto ng kanilang opisina.
"Miss isang lasagna" saad nito sa tindera sa canteen.
"Eto na" sabi ng lalaki habang iniaabot ang bayad sa tindera.
"May pera ako, ok" matalim na na tingin sabay ngiti ng sarkasmo. Sabay abot ni Simon ng bayad sa tindera. At naupo sa pinakadulo ng lamesa. Nakita ni Simon na palapit na rin si Gio sa kanya, may dalang lasagna at dalawang baso ng iced tea. Napailing na lamang si Simon sa paparating na nakangiting si Gio.
Siya si Gio. 29 years old. Understatement kung sasabihin mong maputi sya, dahil sobra talaga ang kaputian ng lalaking ito. 5'8" ang height, may matangos na ilong, mapupulang labi, mapuputi at pantay na ngipin at makinis na balat. Lahat na ata ng katangian nasa kanya na. Nanggaling din ito sa may kayang pamilya, na nagmamay-ari ng isang malaking grocery store. Matalino at pala kaibigan ilan pa sa magandang katangian ni Gio. Nagtapos naman sya ng Mechanical Engineering sa isang sikat na paaralan. Wala na sigurong mahihing ang isang Gio sa buhay nya.
"Oh iced tea, peace offering ko sayo. Alam ko namang galit ka sa akin" wika ni Gio "Oh hindi yan libre, uulitin ko, peace offering yan." dagdag pa niya. Isa pang katangian ni Simon. Ayaw na ayaw niyang inililibre sya. Pakiramdam niya kasi ay hindi sya makakilos ng maayos kapag nililibre sya. Hindi naman sa ayaw nya. Iba lang kasi sa pakiramdam. Bumabanat lang sya na magpalibre sa mga kaibigan nyang kahit ata anong pilit ay hindi manlilibre.
"Sino namang may sabing galit ako sayo?" diretsong tanong ni Simon sa katapat nyang si Gio.
"Ikaw. Yang galaw mo."
"Tsss"
"Ok, hindi ka gali, naiinis ka lang. alam ko namang kailangan mongg umuwi e. Peo anung magagawa ko? Di ko rin naman alam na aabutin tayo ng nganitong oras di ba?" pagpapaliwanag ni Gio. Tama naman si Gio, regular weekly meeting na ito kaya hindi nya ito kasalanan, walang may kasalanan. "Alam ko naman kailangan mong umuwi para kay Roy, para sa boyfriend mo" mahina nyang wika. Isa si Gio na napagkatiwalaan ni Simon sa kanyang sekswalidad, na medyo malaking isyu sa kompanya nila.
Buntong hininga. "Ok, Sorry din. Naiinis lang talaga ako" malungkot na wika ni Simon. "Bakit kasi sa lahat ng araw, ngayon pa, ngayon pang anibersaryo namin"
"Wow! Talaga? Happy Anniversary!" masyang bati ni Gio, ngunit may kung ano na lamang siyang naramdaman na sakit.
"Alam ko na" biglang naibulalas ni Simon. "Para makabawi ka na talaga sa akin. Tulungan mo na lang akong magprepare mamaya, wala pa kasi akong naiisip na surpresa sa kanya e."
"Naku sorry overtime kasi kami ngayon e. May improvement activities kasi kami sa darating na plant shutdown ngayong bakasyon.
"Ganun ba?" malungkot na tono ni Simon.
"Pero habol ako. Promise. Six pm nandoon na ako." sabay taas ng kanang kamay na parang nangangako.
Tumonog na naman ang bell na naghuhudyat na tapos na ang coffee break at dali dali ang dalawa sa pagsubo ng kani-kanialng lasagna. Nagtawanan pa siladahil hindi na na nila talaga namalayan na tapos na pala ang break nila.
Dumaan pa ang ilang oras at dumating na rin ang uwian, 3:30 pm. Nakahanda na agad ang gamit ni Simon. Pati ang safety shoes niya ay nakapagpalit na rin sya ng kanyang rubber shoes.
Nadaanan pa nya si Gio sa lamesa nito na kumakain ng overtime break. Sumenyas na lamang sya na uuna na sya.
Pagkaupong pagkaupo nya ay inilabas na nya kaagad ang kanyang notebook at mechanical pencil. Nagsususlat ng mga posibleng gawin nya pagkauwi ng biglang nagvibrate ang kanyang cellphone. Isang balita mula sa sender. Balitang kahit sya ay hindi nya alam kung positibo o negatibo.
Kinse minutos na paghihintay bago tuluyang umalis ang shuttle bus kung saan lulan si Simon. Halata ang kaba sa mukha niya. Pagkagat sa labi. Pagtanaw kung malapit na ba sya sa pupuntahan. Hindi mapakaling mga kamay at paa. Ilang saglit pa ay tumayo na sya, pumunta malapit sa driver ng sasakyan at sinabing "Sir sa may ospital lang ho."
Ngayon ay nasa 3rd floor na sya. Sa ng kwartong pakay niya. Hindi nya malaman kung bubuksan nya ba ito o ano. Ng biglang iniluwa nito ang babae
"Na-nandyan ba si Doc?" tanong ni Simon sa babae
"Naku, hanggang 2pm lang schedule nya ngayon " saad ng babae. "January 5 na ang balik ni Doc"
"Ay, oo nga pala. Sorry nawala sa isip ko" pagpapaumanhin nito sa babae. "Nakatanggap kasi ako ng text mula sa kanya kanina lang. Kaya akala ko nandito pa sya."
"Ahhh ikaw ba yun. OO nagbilin si Doc sa akin kung sakaling pumunta ka." sabi ng babae "Ako din ang nagtext sayo, sabi ni Doc, hindi pa rin daw tayo sigurado. May mga test pa daw na kailangan gawin. Yun, yun lang ang nasabi nya e. Balik ka na lang siguro sa January 5." at pagkatapos ay umalis na ang babae
"Hindi pa rin pala sigurado"bulong nya sa srili at napabuntong hininga na lamang.
Buntong hininga. "Ok change of mood. Araw nyo ngayon. Wag mong sirain" sabi nya sa sarili pagkalabas ng building ng ospital.
Nilakad na lamang nya ang papuntang mall mula ospital. Pitong minutong lakasarin. Pagdating na pagdating nya ay inilabas na kaagad nya ang kanyang notebook. Mabilis na nakapamili si Simon ng mga gagamitin sa surpresa nya kay Roy pati na rin regalo nya dito. Unang anibersaryo nila ito. Gustong gusto nyang maging espesyal ang araw na ito hindi lang sa kanya kundi para sa kanilang dalawa.
Dahan dahan pinihit ni Simon ang knob ng pinto at sumilip silip muna. Tama nga sya. Tulog pa ang mahal nya. Alas kwatro hanggang alas sais ang siyesta time kasi ni Roy, na minsan ay umaabot pa ng alas siete.
5:30 na. wala pa rin ang kaibigan nyang inaasahang tumulong sa kanya sa paghahanda. Tinawagan nya ito gamit ang kanyang telepono. "Hello Steph? Nasaan ka na? Traffic? E wala naman akong nadaanang traffic. Wag ka nga! Kapag 30 minutes wala ka pa, wag ka ng pumunta”. pagbibiro nito sa kaibigan. "O sya bilisan mo ha" saka tinapos ang tawag
Alas sais na at wala pa rin ang kaibigan. At narinig nyang bumukas ang pinto ng kwarto. "Bhi?" tanong ni Roy.
"Happy Anniversay Bhi! Surprise" masiglang bati ni Simon "Halika upo ka. Dahil anniversary natin meron tayong handa! Spag at Caldereta"
"Happy Anniversary SAI and ROY!" Isang napakalakas na bati ni Steph
May dala pa itong isang box ng brownies at balloons. "Sorry ha na-late ako."
"Naku tama lang ang dating mo para sa kainan" wika ni Roy.
"Wow andaming foods" pagkamangha ni Steph
"Kasi nga dadating ka" biro ni Simon dito. "Inimbitahan ko rin si Gio, baka mamaya dumating na yun. "Bhi in-invite ko din yung mga kaibigan mo at bestfriend mong si Raul sa fb kaso si Raul lang ang nagreply. Hindi daw sya pwede"
"O sya, attack na" si Steph
"Bhi anung gusto mo? Spag? O Caldereta?"
"Caldereta. Gutom na ko e. Parang angbago kasi nyan." At sinandukan na ni Simon ng kanin at ulam si Roy at binigay ito sa kanya.
"Sarap ha! Sarsa palang busog na. San ba to galing" pagkamangha ni Steph na ikinangiti naman ni Simon.
"Anu ba yan parang goma na tong karne. Hirap nguyain" sabay luwa ng karne sa kutsara nya at inilagay sa gilid ng plato nya. "San mo ba to binili" nababakas ang galit at pagkadismaya dito.
Ahhh.. Binili ko dyan sa bagong stall sa mall. Mukha kasing masarap kaya binili ko na" malungkot nyang saad.
"Subukan mo tong spag." at iniabot kay Roy.
"Ok ready made sauce." sabi ni Roy pagkasubo pa lang ni Roy sa spaghetti. "Wala talagang tatalo sa fresh tomato sauce ko."
"Oo nga bhi." sabay tayo ni Simon "Ahhh Bhi bili muna ako ng inumin ha"
Nasa pintuan na si Simon ng magsalita ang kaibigan nya. "So ako pa talaga magliligpit ng mga kalat at pinaglutuan mo?"
"Bhi, so ikaw ang nagluto? Sabi ko naman sayo di ba kapag ganyan magpaturo ka sa akin"
At doon na kumawala ang pinipigil nyang mga luha. "Sorry Bhi, hayaan mo next time."
"Yan tuloy nasasayang lang yung pagkain"
"Bhi bi-bibili muna ako ng maiinom ha" At lumabas na sya ng bahay.
"Sai! Sandali nga" nahawakan na sya nito sa braso bago pa man makalayo sa bahay. "Masararap naman yung luto mo ah"
"Hindi e, hindi pa sapat e. Kulang pa."
"Tang*na naman oh. Tumigil ka nga sa kakaiyak dyan. Laki laki mong tao e."
"Sige na bibili lang ako ng maiinom" habang panay pa rin ang hikbi nito.
Parang pinupunit ang puso ni Steph sa nangyayari sa kaibigan. Kilalang kilala nya ito. Lahat lahat. Buong pagkatao. Wala silang maitatago sa isa't isa. "Tang*na bakit kasi di mo pa iwan yang boyfriend mo e"
"Tama na Steph"
"Lagi ka na lang ginagago nyan e"
"Steph tama na"
"Tang*na mag-isip ka naman. Iwan mo na yang boyfriend mo"
"Steph" suway nya rito
"Napakamanhid nya. Manhid na nga BULAG pa!"natatawang sabi ni Steph. "Nakakatawa no? Double meaning? Literal na bulag na nga, manhid pa!"
"TAMA NA!" sigaw ni Simon. Ngayon ay nakatingin na sa kanila ang maraming tao.
Katahimikan ang bumabalot sa kanilang dalawa. Ng may boses mula sa likod ni Simon. "SIMON, ha-happy? Anniversary?" hindi alam ni Gio kung tama pa bang bumati sya nito. Narinig nya lahat. Lahat lahat ng pag-uusap nila.
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon