Huwebes, Hunyo 6, 2013
update
try ko po magpost on sunday... busy sa first work e... kuliti nyu nalang ako sa fb o # ko hehehehe salamat po :)
Biyernes, Abril 26, 2013
ILOVEYOU KENNETH MAMUAD (ROGUE MERCADO)
Hello po! Gusto ko lang itong ishare!
mahal na mahal kita!
oo nga pala baka next po ung update ko... hehehe pasensya na... nainlove lang
Biyernes, Abril 12, 2013
Look at me with Love Part 10 – A Friend
Look at me with Love Part 10 – A Friend
By: simonusimon
“Good morning
ma” bati ni John sa mama nya habang nasa hapag. Madaling araw palang ay ginawa
na ni John ang report na pinapahanda ng kanyang mama sa kanya. Hindi pa agad
makausap ni John ang kanyang mama dahil may kausap ito sa telepono.
Habang
kumakain ang mag-ina ay pumapailanlang pa rin ang katahimikan sa buong hapag.
Walang lakas ng loob na magsalita si john dahil alam nya na ang dahilan ng
pag-uwi ng kanyang ina. Kitang kita ang lungkot at kaba sa mukha ni John. Isang
disappointment na naman, yan ang pumapasok sa isipan ni John dagdag pa ang
eksena nila kagabi.
Natapos
kumain ang mag-ina, may kausap na naman ang kanyang ina sa telepono habang
binubuklat ang gabundok na mga papeles.
“John
anung nangyari?”
“Ma,
napainom lang po kagabi”
“hindi
un gang tinatanong ko, anung nangyari sa kompanya?”
“Ma
nagkaroon lang po ng konting problema” kabadong sagot ni John.
“John
ipinagkatiwala ng papa mo ang kompanya sayo. Kung hindi mo kaya sabihin mo.
Hindi biro to.” Wika ng kanyang ina habang patuloy ang pagbuklat ng mga
papeles. “Uuwi ang papa mo sa makalawa, gusto nyang Makita ung report mo”
dagdag pa ng mama nya.
“Ma,
nahanda ko nap o yung report”
“No
anak, ang papa mo na ang titingin nyan, aalis na ako after kong mareview tong
mga papeles, may emergency meeting ako. Kailangan kong bumalik agad.” Tuloy
tuloy na pahayag ng kanyang ina. “sige aalis na ako. Manang nandyan na ba yung
driver” pagtawag ng kanyang ina sa kanilang kasambahay.
“Opo
ma’am” sagot naman nito.
Buong
pag-uusap ng mag-ina ay di man lang nagtagpo ang kanilang mata na lalong
nagpapalayo sa kanyang ina. Dumating at ngayon ay aalis ang kanyang ina ng
walang nangyari . Nakayuko lang si
John habang nakaupo pa rin sa hapag nang Makita nya ang isang folder ng mga
papeles na naiwanan ng kanyang ina.
“Anak,
nakita nmo ba yung… ayun. Sige aalis na ako” sabay kuha sa folder “Anak, ayoko
na nga palang maulit ung pakikibarkada mo kung kani-kanino, kilalanin mo muna.
Tingnan mo ang nagiging impluwensya sayo.”
Napayuko
na lamang si John sa sinabi ng kanyang ina. Hanggang ngayon pala ay naaalala pa
nila ang nakaraan. Noong napabarkada si John noon na bumaba ang grade nya,
dahil sa nagkasakit sya ngunit ang lagging sinisisi ng kanyang mga magulang ay
kanyang mga kalaro na nagging dahilan para pagbawalan syang lumabas at
makipaglaro muli.
Nakaalis
na ang mama ni John at sya naman ay naghahanda na sa pagpasok sa opisina.
Habang sa bahay naman nila simon ay masayang naghahapunan ang buong pamilya.
“mon”
pagtawag ng mommy ni simon matapos maligo ni Simon, yan na rin ang sinabii ni
Simon sa kanila na itawag sa kanya kaysa sa pagkabahobaho kong palayaw, bagamat
nakakapanibago at nakakatawang isipin. “nasan na ung polo mong suot kagabi at
maisama ko ng malabhan mamaya”
“ahhhm
nalagay ko na ata sa marumihan kagabi” pero sa totoo lang ay wala ito sa bag
nya kagabi at naiwan nya kung saan. “Mommy papasok na ako” sabi ni Simon
matapos magbihis.
Simple
lang magbihis si Simon sa school. V-neck na shirt, minsan nakapantalon minsan
nakashort depende sa schedule nya. Kapag isang subject lang ay nakashort lang
sya at tsinelas. Pero tuwing may lakad naman siya kasama ang mga kaibigan ay
lagi naman syang todo porma.
Isa
pang lagging pinaghahandaan ni Simon ay tuwing may report sya sa school, ngayon
ay nakapolo na naman sya, naka pants at pagkatulis tulis na sapatos. Gusto nya
kasi lagging presentable sya sa tuwing magrereport sya. Last requirement to sa
isa nilang subject, ang maghanap ng software na magagamit nila bilang IE, bawat
isa ay may 15minute time para maexplain ang kanilang software. At naasign sa
kanya ang topic na forecasting. Habang nagrereport sya ay talaga namang bilib
hanga ang kanilang babaeng professor sa kanya bukod sa itsura palang nya ay
makikita mo talaga ang galling nya sa pagdidiscuss ng topic nya.
“Very
good! Yan ang report. Alam nyo kita ko na talaga sa ilan sa inyo ang pagiging
professional. Alam nyu yon kita na agad na handa na kayo. And that’s good!”
wika ng kanilang professor at syempre palakpak naman ang tenga ni Simon. Likas
na kasi talaga sa kanya ang pagiging magaling magsalita at talaga namang
napakaganda ng kanyang boses dahil na rin sa organization nya. Lagi nga niyang
nakukuha ang lead role because he got the looks, the voice and the height.
“Nice
galling ahhhh” papuri ng isa nyang classmate. Tahimik lang kasi si Simon sa
klase pero kapag nagpakitang gilas ay sigurado namang walang mintis.
“Ano
k aba? Binola ko lang si ma’am, alam mo naman yan makakita lang ng ibong
lumilipad humahanga na” pahumble nyang sagot sa papuri ng kanyang classmate…
Lumipas
pa ang oras at natapos na ang mga klase ni Simon sa school. Pupunta na sya sa
fastfood na kanyang pinagtatrabahuhan. Alas singko nan g hapon ng makarating si
Simon sa fastfood. Nagging smooth naman ang lahat
Mag-aalasais
na ng gabi ng Makita ni Simon na pumasok ang isang kilalang lalaki, si John,
napakakisig sa suot nitong long sleeves na violet,silver necktie at black
slacks.
Dirediretso
si John sa counter na kinatatayuan ni Simon.
“Good
morning sir’ may I take your order?” bungad ni Simon sa kaharap nyang si John.
“I
believe it’s good evening” nakangising sabi ni John na ginantihan na lamang ni
Simon ng ngiti. ‘gumaganti to ah…’ sa loob loob ni Simon
Nakuha
ni Simon ang order ni John, paalis na ito ng muling nagsalita. “Ahhhm free k
aba after ng shift mo?”
“Ata
bakit?” si Simon
“Babawi
sana ako kagabi” wika ni John, ngunit sa kabila nito ang totong pakay ni John
ay magkaroon ng kaibigang malalabasan nya ng kanyang mga problema at hinaing…
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako
sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon
Biyernes, Abril 5, 2013
Look at me with Love Part 9 – Parents
Look at me with Love Part 9 – Parents
By: simonusimon
***pasensya na kung medyo magulo…
hehehe… gagamit nalang po ako ng third person’s POV para mas madali maintindihan…
heheh… thanks sa comment para mas maayos ko pa to! J Salamat uli! Sana magustuhan
nyu na to… ehehehe
“Oh
bakit ka bumaba? Dito ka na rin ba?” tanong ni John kay Simon na nakatulala
lang kay John. “Ui! Dito ka rin ba nakatira?” muling tanong ni John.
Doon
lang natauhan si Simon, “Ah eh baka kasi di ka makauwi ng ayos…. Tsaka lasing
na lasing ka kasi kanina.”
“Nakakahiya
naman, pero sige para makabawi naman ako, makamirienda ka muna sa bahay” At
naglakad na sila papasok sa subdivision na tinitirhan ni John.
Tahimik
na naglakad ang dalawa. Medyo may kalayuan mula sa gate ng subdivision ang
bahay nila John. Kapwa balisa ang dalawa, parehong may gusting itanong, ngunit
walang may lakas ng loob na magsimulang magsalita.
“John”
“Ahm”
sabay na wika nilang dalawa.
“Sige,
ikaw na muna mauna, wika ni Simon.
“Kanina
pa kasi tayo magkasama, ah eh di ko pa din alam ang pangalan mo” nahihiyang
sabi ni John.
“Oo
nga no? ako pala si Simon” kasabay ang napakatamis na ngiti na ibinigay ni
Simon kay John. Hindi alam ni Simon pero iba talaga ang nararamdaman nya Makita
palang nya ang mga mata ni John.
“John
Toledo” ang malas sa buhay mo sabay tawa…
“hahaha,
Simon… Simon Quintos” pag-uulit ni Simon. “Ahmmm” may sasabihin pa sana sya ng
pinutol na sya ni John.
“Dito
na pala tayo.” Si John
Kasinlaki
ng bahay nila John ang bahay nina Justin.
“Anlaki
naman ng bahay nyu. Ilan ba kayong magkakapatid?” tanong ni Simon na
pinagmamasdan pa din ang bahay nila John habang si John ay panay pa din ang
doorbell.
“Andami
nyu siguro dito kaya anlaki ng bahay nyu” dagdag pa ni Simon. Napansin ni Simon
na natahimik si John at tumigil sa pagdodoorbell.
“Ok
ka lang ba?” alalang tanong ni Simon. Nakayuko lang si John na nakaharap sa
gate nila habang nakatalikod kay Simon.
Tinapik
ni Simon ang balikat ni JoHn. “Ui ayos ka lang ba?”
Sa
tapik na ibinigay ni John ay may naramdaman syang kakaibang pakiramdam na labis
nyang hinahanap mula noong mawala ang kanyang yaya, ang pakiramdam na may isang
taong handing dumamay sa kanya.
“Tulog
ka na ata” sabay pihit kay John mula sa pagkakahawak ni Simon sa balikat nito.
Nagulat
si Simon sa nakita nya. Lumuluha ang napakaamong mukha ni John. Bakas na bakas
ang kalungkutan, nagdadalamhati’t naghahanap ng masasandalan. Ngunit mas naging
kapansin pansin para kay simon ang mga mata ni John na nagpabalik sa kanya sa
isang alaala.
Noon
isang beses lang nakita ni Simon na umiyakk si Justin, dahilan sa selos sa
isang tao. Isang taong di inaasahang magpapagulo ng kanilang relasyon.
Nagising
si Simon sa realidad ng maramdaman nya ang mga mumunting patak ng luha na
pumapatak sa kaNyang balikat. Nakayapos si John kay simon, nakayupyop sa
balikat nya.
Napakaalinsangan
ng gabing iyon ngunit ramdam ni Simon ang lamig sa kalooblooban ni John.
Humihingi ito ng init ng pagmamahal. Hindi alam ni Simon kung ano ang marapat
nyang gawin. Nakatayo lamang siyang dinadama ang mga luhang tila patak ng
kandilang natutunaw.
“Ya,
hindi ko na kaya. Bakit mo kasi ako iniwan eh. Sino na ang tutulong sakin
ngayon?” usal ni John na patuloy ang paghikbi.
Wala
sa sariling tinapik ni Simon ang likod ni Johnni Simon. unti unti naramdaman
nya ang pagtigil ng mga hikbi. Naramdaman ni Simon na bumigat si John,
padausdos pababa ngunit naagapan ni Simon. Nakatulog na pala si John sa sobrang
kalasingan at pagod.
Pinagpatuloy
ni Simon ang pagdodoorbell at ilang minute pa ang lumipas bago lumabas ang
isang babae. Napakaganda ng babaeng ito, maputi at napakaamo ng mga mukha.
“magandang
gabi po” wika ni Simon.
“Sino
sila?” medyo may katarayang wika ng babae
“Ah
eh hinatid ko lang po si John?” hindi mapakaling sagot ni Simon ‘sungit naman
nito, ako na nga nagmagandang loob e’ sa isip ni Simon.
“John?
Anak? Anong nangyari sayo?” sunod sunod na tanong ng babae habang binubuksan
ang gate at kinuha it okay Simon.
Inistima
ng babae si Simon mula ulo hanggang paa pagkakuha kay John, sinara ang gate at
tumuloy sa kanilang pintuan. Naiwan na nakatulala si Simon sa labas ng kanilang
gate.
“John”
paggising ng babae kay John.
Pupungas
pungas na iminulat ni John ang kanyang mga mata. “Ma?” kita ang pagkabigla at
takot sa mga mukhga ni John. “Kelan pa kau umuwi?”
“Kanina
lang. Anung nangyari sayo?Sige magpahinga ka na.” wika ng Mama ni John na
nagngangalang Carmencita o Carmen.
Hindi
malaman ni Johnkung nag-aalala ang kanyang mama sa kanya. Ngunit sa totoo lang
ay masayang masaya si John nakita at nakausap nya na uli ang kanyang ina.
Nangiti si John sa iwinika ng kanyang ina ‘. Anung nangyari sayo?Sige
magpahinga ka na’ lagi kasing trabaho trabaho trabaho ang kanilang
pinag-uusapan nila. Nag-aalala rin pala sila sakin ang nasa isip ni John.
Paakyat
na si John sa kanyang kwarto ng magsalita muli ang kanyang ina. “Ah john,
pumunta ako sa opisina mo kanina”
Natigilan
si John sa pagakyat at hindi nya malalaman kung lilingon ba saya o hindi. Bago
pa sya makalingon ay muling nagwika ang kanyang ina “Sige, bukas na tayo
mag-usap. Kailangan ko lahat ng report for the last 6months”
Nagbago
ang ekspresyon ng mukha ni John, akala nya pa naman ay nag-aalala na sa kanya
ang kanyang magulang ngunit trabaho pa rin pala ang kanilang iniisip.
Samantala
si Simon ay nakatanga pa rin sa gate ng mga Toledo. “wala man lang bang thank
you?” pagkatapos ay naglakad na sya palabas ng subdivision.
“Patay,
patay patay… 11:30 na patay ako kay mommy” wika ni simon sa kanyang sarili
pagkababa ng dyip.
“San
ka galing?” agad na wika ng kanyang mommy.
‘Shoot,
di pa nga pala ako nakakapag-isip ng dahilan’ sa isip ni Simon.
“Kina
Quimby, napadaan lang” wika ni Simon ‘panget ng dahilan ko, ibang daan nga pala
ung kina Quimby’ sa isip nya
“Napadaan?
E anlayo nun sa skul mo? Kumain ka na andyan ang ulam natatakpan” wika ni mommy.
Ngumiti nalang si Simon ng nakakaloko.
Kumain
na nga si Simon habang ang kanyang ina ay iniintay syang matapos bago sila matulog.
Napuno ng kwentuhan ang mag-ina tungkol sa eskwela ni Simon
“Mommy,
next week na ung defense naming sa FS.”
“Oh
handa na ba kayo dun? Teka kamusta ang eksam mo nga pala”
“Ok
naman, may isang alanganin” sabay ngiti ni Simon
“naku
ayusin mo ha” pagkatapos ay ikinuwento na naman ng kanyang ina ang kanilang
pangarap. Ang mapaayos ang kanilang bahay. Hindi na naman kailangan ni Simon
marinig pa uli ito sa kanyang magulang. Lahat naman kasi ng ginagawa nya ay
para sa kanyang pamilya.
“Tara
na tulog na tayo” yaya ni Simon sakanyang mommy
“sige
magdasal ka muna ha”
“Ok!
Night!”
bago
pa makapasok ng kwarto si Simon ay nagsalita ang kanyang mommy. “Bat ka nga
pala nakasando? Asan ung polo mo?”
“Init
e, nasa bag” sabay mabilis na pasok sa kwarto para makakuha ng damit at
maghugas.
Makatapos
makapagpalit ay pinakiramdaman ni Simon kung tulog na ang kanyang mga kasama sa
bahay. Nang maramdaman nyang tulog na ang mga ito ay kinuha nyya ang kanyang
bag at tumungo muli sa banyo. Dahil hindi naman sya marunong maglaba ay hahaw
hawan nya sana ang kanyang polo para mawala ang mga suka dito.
“Yung
polo ko?” Tanong ni Simon pagkabukas nya ng kanyang bag.
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako
sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon
Lunes, Abril 1, 2013
Look at me with Love Part 8 – We Meet Again
Look at me with Love Part 8 – We Meet Again
By: simonusimon
***oh ayan mahaba na talaga ito at
sana magustohan nyo… sobrang salamat sa lahat ng mga readers ng blog na ito at
lahat pa ng blog ditto sa msob! Salamat din sa mga nagcocomment ditto at sa fb,
nakakatulong talaga kayo! Thank you very much! Comment din kayo para maimprove ko pa! :)
Wala
pang ilang oras ay nakauwi na ako sa bahay. Agad kong hinanap si mommy para
makuha ang sinabi nyang sulat para sa akin.
Pagkakuha
ko ng sulat ay agad akong pumunta sa kwarto at binasa ito. Galing pala kay
kuya. Postcard at mga litrato nila mama. May nakasulat sa likod
Kamusta na? Miss na miss ka na namin ni
mama. Kami ok lang dito. Si mama ok na din, nakamove on na sya sa nangyari.
Gusto na nga nyang makauwi e, kaso marami pa kaming inaasikaso ditto sa
business naming, pero ung pangako ko… SANA ANTAYIN MO AKO. OCT 16. MAGKIKITA
TAYO ULI SIMON.
JEROME
Sa
aking nabasa ay nakaramdam ako ng kung ano sa aking dibdib. Ipinagbalewala ko
nalamang ito at pinagmasdan ang mga litrato ni mama. ‘Mukhang ok na nga si
mama’ sa isip ko. ‘buti pa sya, samantalang ako magulo ang buhay, kulang,
parang lagging hindi na tama’ Bigla kong naalala ang panyo ko. ‘shoot! Ung
panyo ko! Ung panyong bigay sakin ni John, huhuhu, un na lang ang natitirang
panyo na bigay nya sakin’sabi ko sa sarili ko. Hilig ko na kasi ang magwala ng
panyo.
Nakatulugan
ko na ang pagtingin sa mga litrato. Kinabukasan maaga ang pasok ko. Bukas
malalaman ko na rin ang resulta ng exams ko.
Maaga
palang ay nagising na ako. Pumasok sa school at kabooom! Isang malungkot na
araw para sa akin, 5 out of 6 subjects lang naipasa ko. ‘Anu bay an! Akala ko
wala na akong problema maliban sa Feasibility Study naming.’ Ok na rin siguro
un. Atleast isa nalang ang kailangan kong bawian at bigyan ng extra effort.
Matalino naman ako, consistent
honor noong nasa grade school at high school. Nag-iba lang ang pananaw ko
nitong college. Makapasa lang sa akin ay ayos na. At dahil doon magcecelebrate
ako! Sakto katapusan nan g January may sweldo na ako! Agad kong tinext ang mga
kaibigan ko. At YES! May nagreply na ISA, ang masasabi kong pinakamalapit kong
kaibigan, si Quimby. Nakilala ko sya nuong bata palang kami sa isang theatre
org. Ok na un! Mas gusto ko naman talaga mas kaunti. Attention seeker kasi ako.
Samantala si John
ay nasa puntod na naman ng kanyang itinuturing na nanaya, ang kanyang yaya.
Umiiyak na naman syang kinakauusap ito.
“Ya,
anung gagawin ko, bumabagsak ng bumabagsak ang kumpanya. Sasabihin ko na ba
kina mama? Magagalit un e” at maririnig ang mga hikbi nito.
Noong
bata palang si John ay puno na sya ng pressure mula sa kanyang mga magulang.
Naalala ni John na nuong bata sya na minsan syang bumaba mula sa first honor
paputang third honor dahil nagkasakit sya ay labis itong ikinagalit ng kanyang
mga magulang. Pinagbawalan na lumabas at makipaglaro sa kanyang mga kaibigan at
ilang araw na hindi pinansin ng kanyang mga magulang.
“Ya, ayokong idisappoint uli
sila. Ayokong lalo pang malayo sila sakin, lalo na ngayon na wala ka na” huling
wika ni John bago sya umalis.Napagdesisyunan nyang uminom uli dahil sa kanyang
problema. Un lang kasi ang naiisip nyang sagot para panandaliang makalimutan
ang mga ito.
Pumunta
kami ni isang bar ng 8. Pumuwesto kami sa may counter, un kasi ung paborito
kong spot. Kita ko kasi lahat pag nandon ako. Party talaga si Quimby, walang
hiya kasi to, hilig nya talaga ang magbar. Inintay ko nalang syang mapagod para
mamaya na kami magkwentuhan. Tipsy na ako, habang ang kasama ko pass 10 na
nagsasayaw pa, mukhang di na ata sya mapapagod.
“Insan
may load ka?” tanong ni Quimby sa akin pagkalapit nya, insan ang tawagan naming
pero di talaga kami magpinsan.
“Wala
bakit? Tanong ko sa kanya.
“Nagtext
kasi si papa. Hinahanap na ako” kakamot kamot sa ulo si Quimby
“Hindi
ka nagpaalam? WAlastek. Kakaorder ko lang ng isang bucket” noong nakita ko kasi
syang palapit ay umorder na ako para sa aming dalawa.
“Hala,
order ka kasi ng order, sige antayin mo ako ditto magpapaload lang ako sa
labas” si Quimby.
Wala
pang ilang minute ay may lumapit sa aking lalaki, nakatalikod ako sa kanya.
“May
nakaupo ba dito?” sabi ng lalaki
Humarap
ako sa kanya at nakilala ko sya, si John. “Ikaw?” pagkabigla kong tanong sa
lalaking nakayuko. “Oo meron” kasabay ng pagsabi ko na merong nakaupo ay umupo
ito sa bakanteng upuan na tinutukoy ko. ‘Adik ba to? Kakasabi ko lang na meron
e’
“Favorite
spot ko to alam mo ba yun, kaso kanina pa kayo dito nung kasama mo, kaya nung
nakita ko syang umalis na pumunta na ako dito.” Tuloy tuloy na wika ni John
habang nakatungo pa rin. Habang sinasabi nya ito ay binasa ko naman ang text ni
Quimby “Insan, may kasama ka na, ganyan ka, sige uwi na ako, katampo ka”
Umiling nalang ako at walang nagawa.
“Isang bote pa nga” wika ni John
sa waiter tapos ay humarap sa akin. “Ikaw?”
“Ako?”
pang-aasar ko dito. “May pangalan ako no!” asar na din kasi ako dahil naaalala
ko ung ginawa nyang pag-iwan sakin sa dyip. At ang isa kong subject na bagsak
ay ang exam ko nung araw na iniwan nya ako.
“Ikaw
nga! Sino ka?” mahihimigan ang tuwa sa kanyang boses.
“Ha?”
takang tanong ko.
“Lagi
kitang nakikita!” si John
“Ako
din, lagi nga din akong minamalas tuwing nakikita kita e” at walang anu ano ay
sumuka si John sa dibdib ko.
“What?
Seryoso?” gulat ko sa pagsuka nya sa damit ko.
“Sorry,
nabigla lang ako” si John
Di
ko alam kung matatawa ako o maaasar sa sinabi nya. ‘Nabigla? Gulo hahahaha’
Namalayan ko nalang na papunta na kami ng rest room. Natauhan ata si John sa
pinaggagagawa nya. Habang nasa rest room ay pinupunasan nya ang aking damit gamit
ang isang panyo.
“panyo
ko yan ah…” bigla kong nasabi
“Ahhh
oo, sorry uli” hinugasan nya ang panyo para mawala ang suka ditto at piniga
sabay sabing “Salamat. Eto sinasauli ko na sayo sorry talaga”
Napanganga
nalang ako sa sinabi niya. ‘lasing na nga to’ sa isip ko.
“may
damit ako sa kotse, un nalang siguro” pagbasag nya sa pag-iisip ko kung gaano
siya ka-ewan.
Wala
na akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang alok. Papatayin kasi ako sa bahay
kung maaamoy ako ng ganun, amoy suka na alak at kung anu ano pa. Binayaran ko
muna ang mga inorder ko bago kami lumabas.
“Ha
eto ung damit mo?” tanong ko habang hawak ang isang long sleeves.
“Oo,
kasya naman ata sayo yan e… sukat mo?” sabi ni John habang sapo ang ulo.
Mukhang lasing na lasing na nga ata sya. “Sandali may sando ata ako dito”
“Sige
un nalang” sabi ko dito.
Sinuot
ko ang sando nya at sakto naman.
“Sige
uwi na ako.”
“hatid
na kita para makabawi naman ako.” Sabi ni John
“naku
wag na baka malasin na naman ako” pagbibiro ko at nakita kong napahiya sya.
“Joke lang, hindi na kasi ako nasakay sa kotse” pagbawi ko para hindi sya
mapahiya. Pero sa totoo lang ay nakakatuwa sya mapahiya.
Tumalikod
na ako para umalis nang may marinig ako “tuggg” “arayyyy!”
“Ayos
ka lang ba?” sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa ko, nauntog kasi sya sa
kotse nya. Lasing nga talaga. “Kaya mo bang magdrive? Magcommute ka na lang
sabay na tayo, pareho naman tayo ng barangay e.”
“Ahhh
oo nga pala… ikaw ung kumuha ng wallet ko”
“Correction,
tinignan ko lang ung address nyo at hinatid ka. Nakalimutan ko lang isauli.”
Pagmamayabang ko.
“Hinatid
mo ako? E mag-isa lang naman akong umuwi noon pagkakatanda ko.” Takang tanong
ni John.
“Ahhh
un ba? Iniwan mo kasi ako noon sa dyip , nakatulog kasi ako… hayun nakalagpas
tuloy ako” nakita ko na naman na napahiya sya, tumungo nalang sya. Nakakatawa
talaga sya.
“Ganun
ba? Naku pasensya na. Dami ko palang utang sa iyo.” Kakamot kamot sya ng ulo.
Nakasakay
na kami ng dyip. “Sige libre mo nalang ako sa pamasahe para makabawi ka” pagbasag
ko sa katahimikan sa dyip.
Nakita
kong napangiwi ang mukha nya habang kinakapa ang kanyang bulsa. Pinagmasdan ko
lang sya.
“ui…
bayad na malapit na tayo, baka mapagmura tayo ng driver” sabi ko
“Ah…
eh kasi… nawala ung wallet ko” sabay tungo.
“Ganun
ba? Sige ako nalang ULI” tatawa tawa kong wika, tuwang tuwa talaga ako kapag
nakikita ko syang nahihiya, parang batang ewan.
Pagkabayad
ko ay may nagtext kay John. “Yes nakuha ung wallet ko nung waiter. Kaibigan ko
kasi un. Buti nalang masasauli uli un” tuwang tuwang wika nito habang
nakatingin sa akin.
Mula
kanina ay hindi pa kani nagkakatinginan sa mata dahil nga lagi syang napapahiya
sa mga ginagawa nya. Sa aking nakita ay biglang nagrigudon ang puso ko. Di ko
alam kung ano ang nangyari. Bigala nalang bumilis ang tibok nito.
“Para!”
biglang wika ni John. Di ko alam pero bumaba din ako ng dyip kahit hindi pa
duon ang bababaan ko.
Itutuloy…
Pls visit simonusimon.blogspot.com
Add nyu din ako
sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)