Linggo, Marso 31, 2013

PARA

Ito'y para sa bayan,
Prinsipyong 'di mo matalikuran.
Dahilan ay 'di malaman, 
Ng nagmamahal sa girerong
 patuloy na lumalaban.

Ngayon ikaw ay nagbalik
Marami ang nasasabik
Muling makita ang iyong ngiti
Sa iyong labi ay mamutawi

Lungkot sa mata ang tanging nakita
Bagsak ang pisngi at walang gana
Musika ng paglaban, lungkot at pag-alala
Sa nakikinig, pinahayag at pinadama

Nais kong sabihing ayos lang yan
Kahit katotohana'y "hindi naman"
Mabigat ang loob at nahihirapan
Pusong pagod, pano mapapagaan?

Sinong sayo'y makakapagpangiti?
Sa iyong tabi sana sya'y palagi
Mabalik ang galak sa pusong ngiwi
Panandaliang kalimutan ang sidhi

Nais kong makipagkwentuhan
Bagay na di pa nagagawa kailanman
Mga nangyari at karanasan
Magawang masilip nakatagong larawan

Sa pag-uwi, sa loob ay labag
Di malaman nasaan ang habag
Malamang ito'y sa kapakanan
Sa paglaban, may iba pang paraan

Sa girero'y lihim na nagmamahal
Ang tulad kong mandirigma'y nagdarasal
Makamit, ibalik ang dangal
Mithiin ay ipaglaban, walang pagal

Di ko naman talaga alam ang istorya
Lahat ay base lang sa nakita
Naapektohan sa matamlay mong presensya
Marinig mo man ito at mali, pasensya na

Hindi hinihinging ito'y mapansin
Nais lang ipadamang nagmamalasakit din
Tula ng pagdamay, paghangang laan
PARA sa natatangi kong kaibigan.

ginawa ko to dati... dedicated sa lihim kong minamahal na muntik ng sumapi sa mga rebelde sa baguio... meron kasi akong isa pang kaibigan na sumapi duon, ngaun pinaghahanap sya...

Sabado, Marso 30, 2013

AKALA

Sa di kabisadong lugar
Ako'y inabot ng lahar
Sa pwesto'y di makaandar
Sa sitwasyong di pamilyar

Abo ang nasa paligid
Sa hangin din ay nabatid
Sa mata'y tanging balakid
Ngayo'y di makapagmasid

Di malaman san papunta
Hanggang ikaw ay makit
Nakatayo sa may plaza
Wari koy'y naghihintay ka

Ika'y aking nilapitan
Upang tanungin ang daan
Minungkahi mong samahan
Ako, patungong labasan

Natupad ang aking hangad
Makasabay sa paglakad
Paang ayaw nang umusad
Loob ko sayo'y nabilad

Abo'y nakalimutan na
Biglang luminaw ang mata
Liwanag sayo'y nakita
Paligid ay nagkasigla

Nang nasa krus na daanan
Ika'y lumakad ng dahan
Ari pa ba kong samahan
O ito ang katapusan

Bumalik abong malamlam
Sa akin ay nagpaalam
Hiling mo ay wag magdamdam
Dahil iba iyong asam

Nagkamali sa paghusga
Nabulag ang mga mata
Akalang makakasama
Tungo mo ay iba pala

Humanap lang ng kasabay
Sa gawa mong paglalakbay
Makasama ko'y di tunay
Bakit ba di pa nasanay

Tinahak ang pasilangan
At kita'y pinagmamasdan
Mula rito sa kanluran
Di tukoy mararamdaman

Ngunit hindi ka lumingon
Kung san ako naroroon
Napaupo sa may kugon
Isip ko'y di na matunton

Lugar sa akin may awang
Bagay pilit tinitimbang
Tuloy sa paglakad na lang?
O ako naman mag-abang?

Bagong Buhay!

Palayain ang sarili.
Sa kahapong dumaan
Harapin ang realidad
Kumalas sa gapos

Magpatawad.
Walang kundisyon o kapalit
Bigat ay gumaan
Bukal sa kalooban

Matuto.
Iba ang mundo
Malaman ang gagawin
Magkamali

Magbigay tiwala.
Bukas sa posibilidad
Kalimutan ang takot
Alamin ang limitasyon

Magmahal.
Buong pusong ibigay
Muling pagkabuhay
Kasiyahan

Look at me with Love Part 7 – Chances


Look at me with Love Part 7 – Chances
By: simonusimon

                “Ha? Sige po” wala sa sarili kong naisagot. Ako pa maghahatid dito, anu ba yan.
                Gabi na, may eksam pa ako bukas, pag sinuswerte ka nga naman. “Sir kaya nyu po bang tumayo?” tanong ko ditto habang nakaakbay sya sa akin para maalalayan ko sya, nakatungo lang si John nung mga oras na yun.
                “Kak-kaya ko namen e. hik”
                “ay lasyeng!” panggagaya ko, naiinis na kasi talaga ako, antagal ba naman dumaan ng dyip. Hay buhay nga naman. “sir pagaan naman kayo, ambigat nyu na po”
                Maya maya ay narinig ko na ang mahina nyan hilik.
                Patay, yan ang nasabi ko sa sarili ko. Panu koi to isasakay sa dyip.
                Habang wala pang dumadaan na maluwag luwag na dyip ay napagdesisynan ko munang maupo muna kami. Duon ko napagmasdan ang napakaamong mukha ni John. Ang maputi nyang kutis at ang napakabangong amoy ng kanyang pabango at katawan. Ngunit bakit parang malungkot ang ekspresyon ng mukha nya?
                Eh anu naman kung malungkot sya, di naman ako clown para pasayahin sya, tsaka may eksam ako bukas un ang dapat kong isipin. Sakto ay lumabas ang dyip sa isang kanto, mukhang bagong papasada palang ang dyip. Ayos, di nakakahiya ang kasama kong nalasing. Inipon ko ang lakas ko sa pagtayo ko. At di ko na malaman basta naiakyat ko sya sa dyip.
                Naalimpungatan sya nung maisakay ko sya sa dip, kaya medyo umayos na sya ng upo. Magkatapat kami sa likod ako ng driver. Sa sobrang pagod sa eskwela, trabaho at pagbubuhat ng lasing ay napaidlip ako. Nagising nalamang ako sa pagtigil ng dyip na sinasakyan ko.
                ‘Hala! Lagpas na ako. Andami ng sakay ng dyip! Ung kasama ko nasaan na?’ mga tanong sa isip ko. ‘Walastek di man lang ako ginising?’ at bumaba na nga ako ng dyip.
                Sumakay uli ako ng dyip pauwi dahil nga nakalagpas ako. Magbabayad na ako ng makapa ko na nasa akin pa pala ang wallet ni John.
                Maaga ako natulog, bukas ng umaga nalang ako mag-aaral. Ganun naman talaga ako mas maraming pumapasok sa isip ko pag ganun.
                Maaga din ako nagising para mag-aral, maaga pumasok at dumaan muna ako sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko para idaan ang wallet ni John sa aking manager para kung dumaan man ito ay maibigay agad ang wallet nya. Nagpaalam narin ako sa aking manager na hindi ako makakapasok dahil alam kong madugo ang exam ko mamaya na aabutin ng mga tatlong oras.
                Paggising palang ni John ay ramdam na nya ang sakit ng ulo nya, di na nya matandaan kung paano sya nakauwi. Ang alam lang nya ay dumaan sya sa isang fastfood tapos ay di na nya alam ang sumunod na nagyari. Bumangon na sya para ayusin ang mga kailangan para sa libing ng kanyang yaya bukas.
                “Ate Linda, nakita mob a ung wallet ko?”tanong ni John sa kanilang katulong
                “Hindi po” maikling sagot nito.
                ‘Hay nawala ko na naman ata wallet ko, buti nalang pera at isang id lang nakalagay dun’ sabi nito sarili habang palabas ito ng kanilang bahay ng tumunog ang kanyang cellphone.
                ‘Hi sir, naiwan nyu po ung wallet nyu ditto sa fastfood naming and I belive sainyo rin tong car na nakaparada ditto sa amin’ ang nakalagay sa text message.
                Napangiti nalamang si John dahil buti nalang at hindi nya nawala uli ang kanyang wallet. Ilang beses na kasi syang nakakawala ng kanyang wallet. Agad na umalis si John para kunin ang kanyang wallet.
                “Good morning, ahm kayo ba ung nakakuha ng wallet ko? Maraming salamat.” Wika ni John sa manager.
                “Ahhh opo, actually di nyu naman po nawala talaga. Tinignan po kasi namin ung address nyu tapos nakalimutan na pong isauli sainyo nung naghatid sainyo” ang aking manager.
                “Ganun ba? Salamat. Teka sino po ung naghatid sakin? Para mapasalamatan ko naman po siya ng personal”
                “Naku wala sya, part timer lang kasi un, may pasok sya ngayon”
                “Ahh ganun po ba? Sige pakisabi nalang po, salamat”
                At umalis na nga si John na naguguluhan, naaalala nya kasi na mag-isa lang syang nakarating ng bahay nila.
                Kinabukasan, tanghali na ako gumising dahil wala naman akong pasok. Balak ko ding pumunta sa puntod ni Justin ngayon.
                Bandang hapon na ako pumunta sa sementeryo para di na masyadong mainit.
                Pagdating ko sa puntod ni Justin na may bulaklak na naman duon at isang kandila. Mukhang bagong sindi lang ang kanila. Luminga linga ako kung may tao sa paligid. Nakita ko ang isang kumpol ng tao, nakasilong sa isang tolda. Mukhang may inilinbing na kamag-anak.
                “Hmmm, Justin ha, may other man ka ata, lagi nalang pag pumupunta ako dito may mga bulaklak ka?”
                Nanatili pa ako doon ng ilang oras. Pauwi na ako ng marinig ko ang isang pag-iyak ng isang lalaki mula sa kaninang tolda. Mag-isa na lamang itong tumatangis. Nakaupo sa tapat ng isang puntod.
                “Yaya!” sigaw ng lalaking umiiyak.
                Nilapitan ko sya at kinulbit para abutan ng panyo ngunit hindi ito lumingon.
                Paalis na ako ng marinig ko ang salitang ‘SALAMAT!’ Lumingon ako para sabihing walang anuman ngunit nabigla ako sa aking nakita maging ang lalaki ay nagulat din.
                “John?”
                “Ikaw?”
                Sabay naming wika at sabay ding nagring ang aming cellphone.
                “What? Sige punta na ako dyan sa office” wika ni John
                “Tatay ni Justin? Dumaan sa atin? Nandyan pa ba? Sulat? Sige uwi na ako.”
                At nawala pareho sa isip namin ni John ang isat’t isa. Sumakay agad sya sa kanyang kotse at ako naman ay nagmamadaling lumabas ng sementeryo pauwi.
               
                Itutuloy…

Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ask me anything on http://www.formspring.me/simonusimon

Miyerkules, Marso 27, 2013

Look at me with Love Part 6 – Problems


Look at me with Love Part 6 – Problems
By: simonusimon
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
Ikatlong linggo ng Enero, midterm na, binuhos ko ang aking oras sa aking pag-aaral, isang paraan na rin para makalimot sa sakit na aking nararamdaman. Maaga akong nakauwi ng bahay ngayon. Naabutan kong nagtatalo ang aking mga magulang. Umiiyak si mommy, tatanungin ko bsana sya kung anong problema ngunit bigla nalamang itong pumasok sa kwarto at nagkulong. “Tay, bakit?” katahimikan lang ang namayani. Wala akong nakuhang tugon mula kay tatay.
Lumipas ang dalawang araw, wala akong pasok, mag-isa lang sa bahay, si mommy ay nagbabayad ng kuryente habang si tatay ay nasa trabaho. May dumating na sulat para kay tatay, na labis kong ikinataka  dahil wala naman akong alam na magbibigay ditto ng sulat, ‘mula sa bangko?’ tanong ko sa isip ko. Dito na ako kinutuban. Binuksan ko ang sobre na naglalaman ng isang notice. Binasa ko ang nilalaman, nakasaad duon na meron na lamang kami hanggang katapusan ng Marso para bayaran ang utang naming kung hindi ay kukunin na nila ang bahay naming. ‘Bakit? Nakasanla ang bahay namin? Kelan pa?’ tanong ko sa sarili ko.
Duon ko naalala ang naabutan kong pagtatalo ng aking mga magulang. Unti-unti ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat. ‘Pero bakit naming kelangan isanla ang bahay namin? Para saan naman kami gagastos  ng ganuon kalaki?’ nanatiling tanong ko.
Naabutan ako ni mommy na hawak pa rin ang sobre. Nakita nya ang mukha kong puno ng pagtataka. “Mommy ano to? Bakit nakasanla ang bahay natin? Mahinahon kong tanong.
Duon ay bumuhos na ang luha ni mommy. Inilahad nya lahat. At nalaman kong nitong nakaraang linggo lang din nya nalaman ang lahat. Nuon kasi ay nalulong sa sugal si tatay at ito ang nagging dahilan para isanla nya an gaming bahay.
“Alam na ba to ni ate?” habang hinihimas ko ang likod ni mommy dahil wala pa din itong tigil sa kanyang pagtangis. Si ate asi ang major source of income naming. Umiling lamang si mommy bilang tugon.
“Ha? Bakit hindi pa? Mommy hanggang March nalang to.”
“Hindi ko pa kasi alam kung pano sasabihin, tsaka sabi ng tatay mo, magagawan daw naman nya ng paraan e”
“Mommy sabihin natin to kay ate, mas makakatulong sya.”
“magagalit ang tatay mo, wag muna, antayin muna natin sya. Ipinangako nya na magagawan naman daw nya ng paraan.
Lumipas pa ang oras at dumating na si ate at tatay. Nakumbinsi ako ni mommy na wag munang sabihin ito kay ate. Balak kasing magpakasal na ni ate ngayong taon. At ayaw na ni mommy na abalahin pa si ate sa problemang ito. Marami ng naitulong si ate sa pamilya.
Ganuon pa man ay hindi ako makatulog sa kakaisip, nakakatakot pa rin, walang kasiguraduhan ang lahat.
Malapit na ang graduation ko, tatlong buwan na lang. Iniisi ko kung pano ako makakatulong sa gastusin para dito. Inisip ko buong magdamag kung anung aksyon ang gagawin ko. Hanggang sa napagdesisyunan kong magkaroon ng part time job.
Kinabukasan ay prinepare ko na lahat ng kakailanganin ko sa pag-aaply ng part time job sa isang fast food malapit sa aking eskwelahan para na din mabawasan ung conflict sa schedule ko kung sakali.
Di naman ako nabigo, at natanggap ako makalipas ng tatlong araw na interview at training ay makakapagsimula na ako. Mahirap, nakakapagod palang magtrabaho sa ganitong trabaho, kahit nakatayo lang ako at kumukuha ng order ng mga customer.
Naging smooth naman ang daloy ng lahat kahit na minsan ay di ako nakakaattend ng mga make-yp class dahil nga sa mga conflict sa schedule. Bahay-tulog konti-gising-school-work-bahay ang routine ko, tuwing Sunday ay full time ako sa trabaho, kailangan e.
Samantala, “ya ok ka lang ba?” tanong ni John sa matanda.
“oo, napakain lang ng sobra kanina” wika ng matanda “tumawag nga pala ang mama mo, nangangamusta” dagdag pa nito
“ya may problema nga e. bumabagsak ang sales naten”
“Anak magpahinga ka muna. Pansin ko ngang di ka na nakakatulog”
“Kailangan ya e, baka magalit sina mama” malungot na wika ni John “Ayoko silang madisappoint”
“Hay anak alam mo namang proud na proud sila sayo” pilit na ngiti lamang ang tugon ni John sa matanda sa winika nito. “Oh sya sige maghapunan ka na at magpahinga.”
                Madaling araw pa lamang ay nagising na si John sa tili ng katulong nila. Napabalikwas naman si John at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ng katulong. Naabutan nya itong lumuluha. At nakita nya rin ang kanyang Yaya na nakahandusay sa sahig ng kanilang banyo.
                Agad na inutusan ni John ang katulong ipahanda sa kanilang driver ang sasakyan, binuhat naman ni John ang matanda sa sasakyan at tumngo na nga sila sa hospital.
                Dead on arrival ang matanda, napahampas ang ulo nito sa sahig dahil sa pagkakadulas at nagkaroon ng pagdugo sa loob ng ulo nito.
                Labis itong dinamdam ni John, ang matanda na kasi ang tumayong magulang nya. Gabi gabi syang naglalasing. Hanggang isang gabi mataopos mag-inom ni John ay nakaramdam sya ng gutom at dumaan sa fast food na pinagtatrabahuhan ko.
                Napansin agad naming si John da  hil nga sa sobrang kalasingan nito, luckily hindi ako ang kumuha ng order nya dahil sobra ang kakulitan nito.
                Magsasara na kami ng mapansin naming tulog na ito sa kanyang lamesa. Inutusan ako ng manager naming na gisingin ko na sya. Dalawa nalang kami ng manager ko nuon dahil umuwi agad ang mga kasama ko matapos ayusin ang gamit.
                “Sir, magsasara na po kami”
                “Sige lang” si John na nanatiling nakatungo sa lamesa.
                “Sir uwi na kayo”
                ‘5 mins” sabi ni John.
                “Sir sasara nap o namin e”
                “Sabing----- ikaw?” sigaw ni John na mukhang nakakita ng multo
                “ha?” Sabay bagsak uli ng ulo ni John sa lamesa
                “naku, anu bay an, gabi na e, tiganan mo kung may wallet pahatid nalang natin sa tricycle” wiaka ng manager ko..
                Nakuha naman naming agad ang address nya mula sa kanyang i.d. at dun ko nalaman ang buong nyang panagalan. John Toledo. “Oh malapit lang pala sa inyo, katabing village nyo yan diba? Ihatid mo na kaya?”
                Itutuloy…





Biyernes, Marso 22, 2013

Look at me with Love Part 5 – John


Look at me with Love Part 5 – John
By: simonusimon
Add nyu din ako sa fb simonusimon@gmail.com
                Hi dear readers, may big news ako, need ko din ng answer at pag-unawa… Nung last na part 4 kasi may nagcomment haha, nabahala ako, kung masyado na bang predictable ung istorya ko or what. Hehehe. Syempre gusto kong mapasaya pa kau, hehehe, actually isa akong kritiko(kuno) sa mga pinapanuod kong movie, gusto ko na nag-iisip ung mga manunuod. Ganun din ditto, gusto kong mag-isip din kau, para exciting, hehehe. May dalawa akong iniisip;
                Una ay tatapusin ko na ito, hanggang part 7, naisip ko na ang dalawang part nay un. Pangalawa ay magtatake muna ako ng bakasyon…. Haha, 3 days, pag-aaralan ko muna mula simula, para mas maging exciting to. Hehehe. Un, sana maintindihan nyu… pero syempre mas gusto kong matagal pa tayong magkasama ditto lalo na sa aking unang blog. Gusto kong matuwa kayo. Hehe. Comment nalang po kau.
                Maraming salamat pala sa mga nagcomment kua pjberdz, kua Robert_mendoza94@yahoo.com at sa mga patuloy na nagbabasa. Overwhelmed po talaga ako sa number ng nagbabasa.
                Last na at pinakaimportante…. GRADUATING NA AKO THIS APRIL, TUMATANGGAP AKO NG REGALO. BWAHAHAHAHA
                “Yaya?” si John.
Si John ay isa sa sakay ng delivery truck na nakabungguan namin ni Justin. Nakisabay sya sa kanilang company delivery truck. Sa edad na 22 ay siya na ang nagmamanage ng kanilang negosyo sa kadahilangang abala ang kanyang mga magulang  sa kanialang ring negosyo sa ibang bansa.
Kasalukuyan syang na sa ospital. May benda sa ulo at katawan, maraming natamong sugat dahil sa aksidente. Agad naman syang nilapitan ng kanyang yaya. “Anak, salamat at nagkamalay ka na.” wika ng matandang babaeng yaya ni John. “Ayos ka na ba? May masakit ba? Anong nararamdaman mo?”
“Ya, wala akong makita” nanginginig na boses ni John.
Pagkagulat at pag-alala naman ang mababakas sa mukha ng matanda. “Sandali tatawagin ko ang duktor.” At mabilis na nilisan ng matanda ang kwarto para puntahan ang duktor.
Ilang sandali lamang ay kasama na n matanda ang duktor at agad sinuri si John. “Natamaan po ng maraming bubog mula sa salamin ng sasakyan ang kanyang mata at naapektuhan ang ugat nito. Nagkaroon ng failure sa pagpoproduce ng tubig sa kanyang mata.”
“Dok, anu pong ibig nyung sabihin? Makakatita pa ba ako?” Tanong ni John na maririnig ang garalgal na boses nito.
“Titignan natin kung ang pressure sa mata mo ay macocontrol natin, pero kailangan ko parin magsagawa ng mga tests pa.”
Makalipas ang isang linggo, pagkatapos ng maraming paulit ulit na test ay lumabas ditto na hindi na makakakita si John. Ang tanging paraan lamang ay through transplant, naapektuhan ng labis ang kanyang cornea sa nangyaring aksidente.
Agad naman silang nakakuha ng eye donor sina John at ang kanyang yaya. Agad ding ginawa ang transplant. Matapos ang operasyon at ilang araw pa ang lumipas ay dumating na ang araw ng pagtatanggal ng benda sa mata ni John. Mga huling paalala ng duktor bago tanggalin ang benda. Kitang kita sa mga labi ni John ang pagkasabik na Makita muli ang paligid na minsan nyang akalaing di na makikitang muli.
Dahan dahan ay iminulat ni John ang kanyang mga mata. Sa umpisa ay Malabo nyang nakita ang imahe ng kanyang yaya at ng duktor, at unti unti ay lumilinaw ang lahat.
“Ahhhhhh…” sigaw ni John.
“Anak bakit?” agad na pagtatanong ng matandang babae sa alaga?
“May nakita po ako, lalaki, duguan.” Takot na pahayag ni John.
“Dok ano po ung nakita ko?” dagdag nito.
“Huminahon ka, marahil isa ito sa mga huling imahe na nakita ng donor mo, normal ito, wag kang mag-alala, mawawala din ito” pagpapakalma ng duktor kay John.
Lumipas pa ang ilang buwan, kalagitnaan na ng semester, January 14, pumunta ako sa sementeryo para dalawin si Justin. Nagulat na lang ako ng may madatnan akong mga bulaklak, sariwa pa ang mga ito. ‘Sino kaya ang dumalaw ditto? Sayang di ko naabutan.’ Sabi ko sa sarili ko. Unti-unti ko ng natatanggap lahat ng nangyayari. Masakit. Pero kailangan kong makamove on. Sigurado naman akong malulungkot si Justin kung makikita nya akong labis paring nagdadalamhati sa pagkawala nya.
“Justin… Mahal ko, miss na miss na kita. Nakakatulog k aba dyan kahit di ko na nahahalikan ang mata mo?” Wika ko. “Pasensya ka na kung natagalan bago uli ako nakadalaw sayo. Masakit pa rin kasi e. ikaw naman kasi bakit mo pa ako iniwan. Tumulo ang aking luha na agad ko namang pinunasan at nilakipan ng ngiti. “sorry, nakakaiyak talaga e. Wala na talagang makakapalit sayo.” I Love you! Mahal na mahal kita. Lagi mo akong bantayan ha” Umihip ang hangin. “Salamat. Alam ko nandito ka lang sa tabi ko. Sige di na ako magtatagal. Bye mahal ko”
Sa bahay ni John… “Anak san ka ba galing? Gabi na ah. Tumawag ang mama mo di mod aw sinasagot ang telepono mu?” tanong ng matandang yaya ni John.
“Dumalaw po ako sa donor ko” si John
“Nag-aalala na ung mga ung mga magulang mo”
“Di naman po siguro, baka may ipaaasikaso nanaman po yon sa negosyo” biglang naiwika ni John.
“Anak wag ka namang mag-isip ng ganyan” may pag-alalang wika ng matanda.
“Totoo naman yaya e” may sama ng loo bang tinig ni John. “Nabulag at nakakita ako ng hindi ko sila nakikita. Wala ngang pinagkaiba ngayon para pa rin akong bulag na hindi Makita ang pagmamahal ng mga magulang.”
“Anak” pagsuyo ng matanda “para naman sayo lahat ng ginagawa nila e” at niyakap niya ang alaga nya.
“Ya, salamat. Buti nalang nandito ka. Salamat po.”
Tumungo na si John sa kanyang kwarto para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumugulo sa isipan nya. Kaya sya dumalaw sa sementeryo ay para magpasalamat sa kanyang donor. Marahil sa ganoong paraan ay mawala ang mga imaheng nakikita nya. Sinubukan ng matulog ni John ngunit Naalala nya lagi ang imaheng nakita nya nuong nasa ospital sya. Napakaamo ng mukha nito, puno ng pagmamahal at pag-aalala ang nakita nya habang duguan sa loob ng kotse.
                Muli ay sinubukan ni John na magpahinga na, ngunit mistulang ayaw pumikit ng kanyang mga mata. Simula nung matapos ang operasyon ay nahihirapan na syang matulog. Nahihirapan syang ipikit ang mga mata na parang may iniintay.
Itutuloy…